This will be the start of something new. Isang bagong pagkakaabalahan at pag-gugugulan ng panahon na huhugutin ko sa siksik at hektik kong oras.
Halimbawa ng aking Monday Schedule:
7:00am - Oras ng gising
7:00-8:00am - Morning news at breakfast (bulk of rice)
8:00-4:30pm - Walang humpay na paggamit ng computer
4:30-6:00pm - Nood TV (Pasada Sais-Trenta at DosporDos)
6:00-6:30pm - Facebook
6:30-10:30pm - Prime Time Bida (syempre peyborit ko yung lobo este imortal pala); dinner din pala
10:30-1:30am - Computer ulet
kung ating iaanalisa ang nabuong time table:
- 5 1/2 hours lang ang tulog ko.
- twice lang ako kumain sa isang araw.
- kalahati ng buong araw ko ay sa computer
- 5 hours na panunuod
- isang unhealthy lifestyle.
At nga pala, dahil first post ito, gusto ko na rin mag-kwento ng ga-langgam na detalye ng buhay ko.
Ako si Ivan Cultura y BriƱas, labingwalong taong gulang at nakatira sa Maynila. Hilig ko ang maglakwatsa sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. Masaya ako kapag naliligaw. Hilig ko din ang mag-pikchu-pikchur. Kuha ko yung lansones na nakikita nyo sa background. Idol ko si Ninoy at Rizal. Isa akong biology student. Nangangarap akong magkaroon ng M.D. sa dulo ng aking pangalan. Tinatamad akong magkaroon ng M.D. sa dulo ng aking pangalan. Ayoko umalis ng Pilipinas. I ♥ PILIPINAS. Pilipinas Kayganda.
P.S. Travel blog talaga ang balak kong gawin. pero sa susunod na lang. sige paalam.
.
wow! 5.5 hours ka lang natutulog? ako yata 10-12 hours kadalasan LOL... antamad ko hehe...
ReplyDeletelol.. dati lang yun si flip.. ngayon 4.5 hrs na :)
ReplyDeleteCute naman ng first mo Ivan. :D
ReplyDeleteang kulit ng iyong kauna-unahang post! ;)
ReplyDeleteLOL I was sleep deprived for 4 years (uggghhh college ruined my body clock) hahaha! I feel you bro
ReplyDeleteHahaha, bket prang nung college ako lagi akong tulog? :)
ReplyDeleteCute. It's nice reading all of your first blog posts. It's like meeting you all for the first time. Hehe :)
ReplyDeletePasada sais trenta at Dos por Dos ftw! Paborito kong pinapakinggan sa sasakyan habang nagmemeryenda ng fishballs sa UP Diliman noong taga Pinas pa ako. Congrats sa ikatlong taon ng pagsusulat, pareng Ivan :)
ReplyDelete