Monday, November 22, 2010

There's always a First Time

Walang taong hindi nakaranas ng first time sa buhay. Mula sa unang beses na iyak niya nung siya'y pinanganak, unang beses na siya ay nagsulat o nagbasa, unang beses na siya'y naglakad, unang beses na siya'y nadapa at muling tumayo't naglakad, unang beses na nagsinungaling, unang beses na may kiniss, unang beses na umibig at unang beses na nabasted.



Meron din namang unang beses na paglalakbay. I mean the first time a person traveled and discovered the beauty of a place not familiar to him.

Sa abot ng aking alaala, ang kauna-unahang lugar na napuntahan ko na malayo sa aking tirahan ay ang Baguio City in Benguet. Maliit pa ako non pero natatandaan ko pa yung ilang detalye nung Baguio trip namin na yun. Kwento nga nila sa akin, dalawang beses daw ako nawala doon. Nakita na lang daw nila nasa police station na ako. Natatandaan ko pa, tatawid kami sa Burnham Park, bigla ako tumakbo tapos nagpahabol kay mommy at nagtago sa maraming jeepney na nakaparada, pumasok ako sa isang jeep na may mga kumakain sa loob, parang naki-kain pa ata ako sa kanila bago ako nakita ni mommy. Naaalala ko din nung namimitas kami ng strawberry tapos nilalagay namin sa maliit na basket, pati yung mga hilaw na kulay green pa pinipitas ko tapos bigla ko inaapakan. And lastly, naaalala ko din nung nagsimba kami sa Baguio Cathedral ata yun, tapos nagpapichur kami dun sa may cross sa labas.

Too little memories I could remember from this first traveling experience, but there's one thing I will never forget when we're up there, MALAMIG TALAGA sa BAGUIO.

 Ako yung paslit na kandong ng nanay niya.

4 comments:

  1. Hey, I'm from Baguio City. I love your story. Hey, it's cold here in Baguio especially these days!

    ReplyDelete
  2. thanks. sabi nga ni kuya kim. malamig na ngayon dyan.

    ReplyDelete
  3. Yeah...it's too cold here now!

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...