Isinilang ako siyamnapu't anim na taon matapos mong ialay ang iyong buhay para sa bayan. Kamatayan na naging dahilan ng kalayaang ngayon ay aking tinatamasa. Utang ko ito sa iyo, salamat sa iyo. Kahanga-hanga kang tunay. Bayaning sumisimbolo sa malayang Pilipino.
Mangilang beses ko nang nadaanan, mga lugar na minsan mo nang nilakaran. Mula sa bahay mo doon sa Calamba hanggang sa Bagumbayan kung saan ka nagbuwis ng buhay. Ilang beses ko na rin nabasa, mga likha mong sadyang nakapag-bubukas ng isipan. Mga tula, sulat at maikling kwento, maging ang dalawang nobela mong nagpatumba sa makapangyarihan at maimpluwensya. Ikaw ay isang dakila. Kahit saan ay naroon ka, sa salapi, mga kalye, probinsya at parke. Bayaning gumuhit ng ating kasaysayan.
At ngayong darating na ika-tatlumpu ng Disyembre, muling gugunitain ang kabayanihang iyong ginawa. Pagpupugay ng kasalukuyang generasyon, mga kabataang pag-asa ng bayan. Nais ko lamang iparating ang walang hanggan kong pasasalamat. Salamat Gat. Jose Rizal, tunay na dakila, tunay na bayani, isang Pilipinong kagaya ko.
-Ivan Cultura y BriƱas
Ilang oras mula ngayon, dadalo ako sa isang pagtatanghal ng buhay ni Dr. Jose Rizal sa Real Fuersa de Santiago(Fort Santiago). Isang lakwatsa na ang mithiin ay gunitain ang kabayanihan ni Gat. Rizal.
.
No comments:
Post a Comment