Sabi nila walang trip na natutuloy kung pinagplanuhan, kaya naman biglaan kaming nagkayayaan ng aking mga kaibigan papuntang Enchanted Kingdom.
December 23, 2010, pumunta ako sa EK kasama ang aking mga kaibigan. Sa halagang 1 libo, buhay ka na, ma-eenjoy mo na ang extreme rides and some lousy shows.
Dumating kami sa EK bandang ala una ng tanghali. Excited lahat, handang mahilo at mabasa. Peak season kaya 500 pesos ang ride all you can, nabawasan na naman ang aking impok na salapi. Sa entrance pa lang, todo sawa na kami sa kodakan.
Pag-pasok sa loob, sumakay na kami agad. Nabasa kami, nalula, nangatog, nanlumo at nanlambot sa mga rides. Mula pagpasok hanggang sa magsara ang amusement park, sumakay kami sa mga rides, nanood din ng mga shows, bumili din ng mga mamahaling pagkain. Sa unang pagkakataon, nasubukan kong sakyan ang lahat ng rides sa Enchanted Kingdom. Nagulat din ako nang subukan kong sumakay sa EKstreme at space shuttle. Likas akong mahiluhin sa mga rides at talaga namang nagsusuka. Pero I faced my fears.
Paborito ko ang Riogrande, Bumpcar at chubibo. Gusto ko rin yung fireworks show bandang 10 ng gabi. Ang kasumpa-sumpang Anchors Away at Log Jam ang pinaka-nakaka drop ng energy level. Ang Space Shuttle naman nakaka-cause ng brain damage at matinding vomiting. Ang bagong ride na EKstreme ay sadyang nakakapag-pamura, sa una ay nakakaiwan ng kaluluwa sa taas pero masarap ang feeling sa paghupa ng bagsak.
Ang bawat ride ay may application ng Laws of Physics. Free fall, gravity, speed, velocity, acceleration due to gravity, pati na rin ang Newton's Law of Motion at Law of Thermodynamics. Talagang matindi ang temperature drop ng 4D theater, sasabayan pa ng wisik at buga ng hangin mula sa butas sa harap ng upuan.
Magaganda ang tanawin sa paligid, husto para sa walang humpay na kodakan. Maganda rin ang mga binebentang chikara hat, damit at mga laruan, kaya lang ginintuan naman ang presyo ng mga ito.
Natapos ang enchanted lakwatso ko bandang 12 na ng hating gabi.
enchanted |
0 feedback:
Post a Comment