Hindi ako nagsalita, wala akong imik, wala akong reaksyon, agad kong binuksan ang TV at nilipat sa ABS-CBN. "Paalam Tita Cory" nabasa ko agad, merong special coverage ang ABS-CBN. Nakita ko si Julius Babao nag-babalita tungkol sa kabataan ng minamahal kong pangulo. Saka ko pa lng na realize, patay na pala si President Cory.
Sinimulan ko agad i-google yung mga details sa buhay niya: her brthday, her family, her ascension to presidency. Indeed her death is a big lost to all Filipinos.
Kumain ako ng almusal, naligo, nagbihis at agad na umalis. Lumabas ako patungong mall para bumili ng yellow shirt. May kakaiba akong pakiramdam na tila baga responsable ako sa pagkamatay niya. Pumunta ako sa National Bookstore, tinitigan ko yung yellow ribbon, tinanong ko yung saleslady, "miss magkano yung yellow na ribbon?"
"Ah ito 5 pesos per yard sir, para ba 'to kay Cory?" sagot niya naman sa akin.
Napaisip ako at sinabi kong hindi at agad na umalis pagkabayad nung 2 yards na yellow ribbon.
Sumakay ako ng bus, bandang 3 pm. Nakita ko sa balita sa TV, dinala na daw yung katawan ni president Cory sa La Salle Greenhills. Muli kong inisip yung sinabi ko sa saleslady kanina, "bakit ko tinanggi si president Cory?" Muntik nang pumatak ang luha sa mata ko.
Pag-uwi ko sa bahay, niyaya ako ng tita kong pumunta sa burol ni tita Cory sa Greenhills. Sabi ko, "wait lang, isusuot ko muna 'tong yellow shirt na bili ko."
Bandang 7 ng gabi, umalis na kami papuntang La Salle Greenhills. Pag-dating namin sa place, walang parking space, mahaba na ang pila. Pumila kami mula 7:30 hangang makapasok kami sa loob bandang 8:30.
For the very first time, nasulyapan ko ang iniidolo kong pangulo. She looked differently from the Cory I am used to, pero nakangiti siya, very peaceful yung face niya. Saglit pa lamang ang lumipas ay pinapaalis na kami. Umuwi kami, kuntento na sa nakita, pero malungkot pa rin sa pagkamatay ni tita Cory.
Pila ng mga tao sa loob ng La Salle Greenhills |
hindi kami pinayagan magpicture sa loob |
Kinabukasan, August 2, nabalitaan kong may mga bumibisita sa bahay nina tita Cory sa Times Street. Hindi ako nagdalawang isip, pumunta ako sa Times street after lunch. Sumakay ako ng Proj.6-SM North na jeep sa EspaƱa Blvd. Bumaba ako sa Times at pinuntahan ang bahay ng yumaong pangulo.
Maraming bulaklak, may mga media, may mga nagdarasal. Muli akong nalungkot.
the gate of the Aquino residence |
Times Street post |
flowers |
the media |
"Uy si Ivan, makabayan may ribbon pa" sigaw ng isa kong kaklase.
"Aktibista ka ba?," tanong naman ng isa.
Ang sabi ko naman, "Hindi ako aktibista, nagdadalamhati lang ako."
Maya-maya lamang, may nagsabi sa amin, "Bio 2-1, wala nang exam, sasalubungin natin si President Cory." Bigla ako natigilan, nag-isip, lumabas sa kalye upang salubungin ang labi ni tita Cory papuntang Manila Cathedral. Kasama ang ilan kong kamag-aral, nag-hintay kami sa ilalim ng init ng araw.
students waiting |
my biomates |
green line=length of the line; red=direction; x=Manila Cathedral |
Naka-uwi ako bandang 11 ng gabi. Agad akong natulog at hindi na nakapag-aral.
Kinabukasan uli, August 4. Nag-exam kami sa Organic Chemistry. Nasagutan ko naman sa awa ng Diyos. Ngunit nakikita ko sa bintana ng aming silid ang muling pagdagsa ng mga nakikiramay. Natapos ang pagsusulit at agad akong tumungo at muling pumila kasama ang ilang kamag-aral. Nakapasok din ako sa loob, nakita ko ang ilang artista at muli kong nakita ang payapang mukha ng dating pangulo. Saglit lang uli at pinaalis na kami.
Muli na namang lumubog ang araw, nag-text ang isa kong kaibigan at nagtanong kung maari ko siyang samahan sa burol ni tita Cory. Hindi ako makatanggi, muli na naman akong tumungo sa Intramuros. Muling hinanap ang dulo ng mas mahabang pila. Mula 8 ng gabi, kasama ang aking kaibigan pumila kami ng matagal. Inabutan ng ulan, siksikan at singitan sa pila. Lampas na ng alas-dose ng hating gabi nang makapasok at masulyapan ko ang dating pangulo sa ikatlong pagkakataon. Bukas na ang libing, at walang pasok. Naka-uwi ako sa bahay lampas ala-una ng madaling araw.
Agosto 5, walang pasok, araw ng libing. Binuksan ko ang telebisyon. Pinanood ko ang live coverage ng libing ni tita Cory. Isa isang tinawag ang mga nagsalita. Tinawag ang bunsong anak na si Kris. Sa ilang minuto niyang talumpati, hindi ko napigilang lumuha. Tuloy tuloy na dumaloy ang luha sa aking mga mata.
Sadyang matindi ang impluwensya ni tita Cory sa akin. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil sa demokrasyang ipinaglaban nila ni Ninoy. Sila ay kahanga-hanga, sila ay mga bayani.
At ngayon sinusulat ko ito, naisip ko bigla. Ika-lima ng Agosto 2009. The very last time I cried happened on this day.
.
No comments:
Post a Comment