isang malaking protesta sa buong mundo'y nasaksihan
Buong Pilipinas ay nabalot ng dilaw
sa kalayaan matindi ang pananabik at uhaw
Sa diktadurang lubos na ang pagmamalabis
mga Pilipino hindi na kaya pang magtiis
Tila ibong nagpupumiglas sa pagkakapiit,
naghuhumiyaw, lumalaban, kumakawala nang pilit.
Mga madre, pari, simpleng tao't mayayaman,
mga sundalo, pulis, estudyante at kabataan.
Lahat sila'y nagtipun-tipon sa EDSA
upang tapusin na ang ilang dekadang pagdurusa.
Sa mga baril at mga tangke na handang mangwasak
panangga ng tao'y rosaryo, dasal, mga poon at bulaklak
Sa mga helikapter na anumang oras maaring silang huhulugan ng bomba
Sa mga helikapter na anumang oras maaring silang huhulugan ng bomba
mga tao'y lalong lumalakas walang nadamang pangamba
Apat na araw nakibaka ang bawat tao
buong suporta ibinuhos sa mga rebeldeng sundalo
Pilipinong nagkakaisa kapit-bisig nagsamasama
iisang layunin iisang mithi, kalayaan kanila'y muling madama
Sumapit ang ika-dalawampu't lima ng Pebrero
pagtakas ni Apong Macoy ay naging kuro-kuro
kaligayahan ay sadyang nadama nang wagas
ang madilim na bahagi ng kasaysayan ay nagwakas
Rebolusyong People Power inspirasyon ng lahat
sa barilan at patayan, sa pagdanak ng dugo ay salat
Mapayapang Rebolusyong People Power ay nagtagumpay
pagbabalik ng demokrasya naging dilaw ang kulay
Lumipas ang panahon nagpatuloy ang oras
diwa ng EDSA tila ay nangupas
Pilipinong minsa'y naging isa ang naisin
sa anibersaryong pilak muli nating sariwain
-IBC