isang malaking protesta sa buong mundo'y nasaksihan
Buong Pilipinas ay nabalot ng dilaw
sa kalayaan matindi ang pananabik at uhaw
Sa diktadurang lubos na ang pagmamalabis
mga Pilipino hindi na kaya pang magtiis
Tila ibong nagpupumiglas sa pagkakapiit,
naghuhumiyaw, lumalaban, kumakawala nang pilit.
Mga madre, pari, simpleng tao't mayayaman,
mga sundalo, pulis, estudyante at kabataan.
Lahat sila'y nagtipun-tipon sa EDSA
upang tapusin na ang ilang dekadang pagdurusa.
Sa mga baril at mga tangke na handang mangwasak
panangga ng tao'y rosaryo, dasal, mga poon at bulaklak
Sa mga helikapter na anumang oras maaring silang huhulugan ng bomba
Sa mga helikapter na anumang oras maaring silang huhulugan ng bomba
mga tao'y lalong lumalakas walang nadamang pangamba
Apat na araw nakibaka ang bawat tao
buong suporta ibinuhos sa mga rebeldeng sundalo
Pilipinong nagkakaisa kapit-bisig nagsamasama
iisang layunin iisang mithi, kalayaan kanila'y muling madama
Sumapit ang ika-dalawampu't lima ng Pebrero
pagtakas ni Apong Macoy ay naging kuro-kuro
kaligayahan ay sadyang nadama nang wagas
ang madilim na bahagi ng kasaysayan ay nagwakas
Rebolusyong People Power inspirasyon ng lahat
sa barilan at patayan, sa pagdanak ng dugo ay salat
Mapayapang Rebolusyong People Power ay nagtagumpay
pagbabalik ng demokrasya naging dilaw ang kulay
Lumipas ang panahon nagpatuloy ang oras
diwa ng EDSA tila ay nangupas
Pilipinong minsa'y naging isa ang naisin
sa anibersaryong pilak muli nating sariwain
-IBC
Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang Pilak na Anibersaryo ng EDSA People Power I (25 Years Anniversary).
Hindi pa man ako buhay noong maganap ang makasaysayang kaganapang iyon, buhay na buhay sa diwa ko ang kabayanihang ipinamalas ng mga Pilipino sa EDSA.
Masaya ako, isang kabataan na tinatamasa ang kalayaang dulot ng EDSA I. Ayon nga kay Jiggy Aquino Cruz, apo ni tita Cory, maswerte daw ang henerasyon natin ngayon sapagkat malaya tayong nakakapag-facebook, malaya tayong nakakapag-twitter, malaya tayong nakakapag-blog, samantalang noong ay bawal man lang magsalita.
Masasabi kong impokrito ang bumabatikos sa EDSA I. Maaring hindi ganap ang pagunlad natin matapos ang EDSA I, pero tinatamasa ko ngayon, tinatamasa niyo (kayong bumabatikos), tinatamasa nating lahat ang ipinaglabang kalayaan ng EDSA I. How dare you say na walang kwenta ang EDSA I. (Pasensya na, hindi ako aktibista ah, ginagamit ko lang ang Freedom of Speech)
Syempre hindi ko palalampasin ang pagkakataong makadalo sa pagdiriwang na ito. Maaga pa lamang bandang ala-6 y media ng umaga, tumungo na ako sa EDSA. Sumakay ako ng LRT 2, bumaba sa Cubao at muling sumakay ng MRT patungong People Power Monument (PPM). Sa di malamang dahilan, bumaba ako kaagad sa Santolan-Annapolis Station at naglakad sa southbound ng EDSA. Naglakad ako hanggang sa matanaw ko ang watawat ng Pilipinas na yari sa balloon. Ngunit huli na nang napagtanto ko, walang tawiran sa EDSA. Maraming PSG sa paligid, naroon na pala si PNoy. Tinutugtog na rin ang Lupang Hinirang (nasa pagtawid lamang ako ng seremonya).
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang marating ko ang Ortigas Avenue na sa wakas ay may tawiran na. Dagsa rin ang mga taong naka-dilaw sa EDSA Shrine, naroon din ang Umagang Kay Ganda team na kinabibilangan nina Tita Winnie Cordero, Donito Rose, si Ms. Universe 4th runner up Venus Raj, at ang napakagandang si Iya Villania (hay napaka ganda ng umaga ko). Matapos silang sulyapan, pinagmasdan ko naman ang kasiyahan sa mukha ng bawat taong nagpapa-litrato sa higanteng estatwa ni Mama Mary. Karamihan ay kabataan, ngunit marami rin namang matatanda na sa palagay ko'y kabilang sa mga tao ng EDSA I.
Pinakinggan ko sa telebisyon ng ABS-CBN ang talumpati ni PNoy, alam kong hindi na ako aabot sa seremonyas doon.
Maya-maya pa'y naglakad ako patungong PPM. Maraming bilihan sa gilid, mga pagkain, inumin, abubot, maging pagupitan, lahat ay nagkakahalaga na P25 pababa. Napabili tuloy ako ng dalawang Burger Mcdo (P50), isang Wendy's tasty burger (P25), tatlong Hungarian Sausage (P75), at isang litrong Sunkist (P25), P175 lahat ang nagastos ko sa pagkain.
Naka-display na din doon ang mga tangke na ginamit raw sa EDSA I. Nais ko sanang magpakuha ng litrato ngunit dinadagsa ito ng mga tao. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang marating ko ang PPM. Natapos na nga ang seremonyas at wala na doon si PNoy, ngunit sa pag-iikot ko sa lugar, nakita ko ang isa sa mga bida ng EDSA I, si dating pangulong Fidel V. Ramos. Nakakaaliw siyang pagmasdan dahil game na game siya sa mga nagpapapicture na kabataan, MMDA, at kung sinu-sino pa.
Naglakad ako pabalik sa EDSA Shrine, nakita ko ang mga nilalatag na dahon ng saging sa napaka-habang lamesa. Dumami rin ang mga taong dumadagsa sa okasyon. Dumami din ang mga tindahan sa gilid.
Muli ako bumalik sa PPM kung saan nakita ko si Jorge Cariño ng TV Patrol. Umupo ako sa isang tabi at mag-isang kinain ang tatlong burger.
Naglakad akong muli patungo sa isa pang kasiyahan sa kanto ng Madrigal Ave sa Corinthian. May mga mascot at sumasayaw kasabay ng bawat hampas sa tambol. Pinakinggan ko ang mga nagsasalita sa entablado, interbyu ng mga taong lumahok sa People Power 1986. Sabi ng isa, may nagsuntukan pa raw sa harap ng gate ng Campo Crame, ngunit nagyakapan din daw pagkatapos. Wala rin daw sa kalingkingan ng mga taong dumalo noon sa rebolusyon ang mga taong dumalo ngayon sa okasyon. Puro dasal at awitan ang kanilang ginagawa. Inaabutan ng mga pagkain ang sundalong nasa loob ng campo, bawat pasukan ay hinaharangan ng mga taong mistulang barikada. Nakaka-inspire pakinggan ang mga kwentong ganon na nanggagaling mismo sa mga taong bahagi ng kaganapang iyon. Marahil kung nabuhay ako noon, isa ako sa mga haharang sa mga tangke.
Nang balikan ko ang nakalatag na dahon ng saging, nakita kong nilamanan na ito ng mga pagkain. Para pala ito sa mga pulis at ilang taong may ticket para sa kainan.
Mayamaya pa'y tumungo ako sa harap ng gusali ng POEA, mayroong unveiling ng isang marker na dadaluhan ni PNoy. Dito nagbigay ng talumpati si Tita Cory noon. Bantay sarado ang lugar, maraming PSG at kapulisan sa paligid. Lumipas ang ilang minuto at dumating na ang pangulo. Dumalo rin doon si dating pangulong Erap. Tatlo sa apat na nabubuhay na presidente ng Pilipinas ang aking nakita sa isang araw.
Pumunta ako sa chapel sa ilalim ng EDSA Shrine upang silipin ang nagaganap na misa. Puno iyon ng tao at hindi ko nagawang makapasok sa loob.
Bumalik ako sa PPM, ngunit wala pa ring kaganapan, naglakad ako papuntang Corinthian kung saan iniinterbyu ang ilang kabataan noong panahon ng EDSA I. Naroon si Mikee Cojuangco at tatlo pang kabataan noong panahon ng EDSA I. Nakinig ako habang kinakain ang tatlong Hungarian Sausage na nabili ko. Muli akong na-inspire sa mga kwento nila.
Napagod na ako sa paglalakad pabalik-balik sa PPM at EDSA Shrine. Tumungo ako sa EDSA Shrine at nakita ko ang pagtitipon nga maraming naka-dilaw. Mayroong maliit na pagsasadula ng salubungan ng EDSA I. Nilabas na rin ang isang tangke na pinalamutian ng dilaw na bulaklak. Sa ilang sandali ay magsisimula na ang Salubungan reenactment. Nais ko sanang masaksihan ito sa PPM ngunit hindi na kaya ng aking mga paa. Ang salubungan ay ang pagtatagpo ng mga militar at ng mga mamamayang sibilyan matapos ang EDSA I. Dito napatalon si pangulong Fidel Ramos (pasimuno ng Jumpshot).
Umuwi ako sakay ng bus, pagod man ngunit masaya, puno ng inspirasyon at pag-asa.
.
Natutuwa lang ako na kahit papano marami pa ring hindi nakakalimot sa EDSA. :) Sana gawin na nilang national holiday to, dahil sobrang significant nya sa history ng bayan natin. :)
ReplyDeletetama po kayo dyan sir. nakakatuwang isipin na hndi pa tuluyang nawawala ang EDSA spirit.
ReplyDeleteMaski nandun kami sa Cagayan de Oro City nun. Nasa 2nd year college na kami. Damang dama pa rin namin ang tension when the revolution broke down in EDSA. People's Power Revolution. Hawak namin ay mga rosaryo, sa kabila ay mga M16. Pero nanaig parin ang spirito ng kapayapaan. 25 years had passed. At least ang Pilipinas ay nagbago ng konti. Ang hindi lang na maintain ay gawing HOLIDAY ITONG MAKASAYSAYANG EVENT NG PILIPINAS.:-). Two years after we celebrated our 25 years, as graduates in high school.
ReplyDeletesalamat po sa pagdaan sir. nagkaroon din ng revolution sa CDO?
ReplyDeletehey Ivan..
ReplyDeleteyup schoolmates tayo! ECE batch 2006.
sshh... too much info kills. =)
wow, ms chyng... nakakatuwa nmn po... mistulang nakahanap ako ng karayom sa dalampasigan. taga CS po ako. sige sikret po yan tayo lang makakabasa nyan. :)
ReplyDelete