Sunday, April 3, 2011

Takipsilim



 Kailanma'y hindi ako magsasawang pagmasdan ka Haring Araw.
Liwanag na iyong dulot ay sadyang nakagigiliw,
kadilima'y iyong pinupukaw.

Animo'y nagbabagang perlas sa bughaw na kalangitan.
Kulay ng katapanga'y patuloy na bumabalot
sa dako ng Kanluran.


O Pebo, sa karagatan ng Maynila, tunay kang namamayani
Ang sinag mo sa katubiga'y tila mga diyamanteng marilag,
walang hindi mabibighani.

Mapalad kaming sa iyo ngayon ay nakasasaksi
Liwanag na mula sa kalangitan, biyayang hatid
ng isang pintakasi.


Kahit anong tayog mo'y kusa kang bumababa
Lumuluhod, nagpapaalam, sa dilim
ay nagpapakumbaba.

Anu nga ba't sa mabagal na paglisan mo'y panahon ko ay iginugugol
Bakas ang galak sa aking mukha sapagkat alam ko
na sa Silangan ay muli kang sisibol.



-IBC
 

7 comments:

  1. i can feel your passion and enthusiasm for traveling. kayo na ang next generation pinoy travelers! Galing!!

    ReplyDelete
  2. hihi.. salamat po ulit. ayos yun..

    ♪♫we are, we are the youth of the nation...♫♪

    ReplyDelete
  3. ako din, i like sunsets! nice photos! :)

    ReplyDelete
  4. ayos sa tula! :) hindi ka lang lakwatsero, makata ka rin pala! haha so proud of you! :D

    ReplyDelete
  5. tunay ka ngang makata at dakila, sa isip, sa salita at sa gawa!

    seryoso yan!

    ReplyDelete
  6. i was amazed to see u in front row.... isang cultura na nagbibigay ng dangal....isang cultura na makata at makakalikasan... mabuhay ka Ivan cultura...

    ReplyDelete