Medyo nagbabasa ako ng mga tweet kanina, then I saw Carlos Celdran's.
"#HelpDOT. Go to Intramuros today. All entrance fees waived! Go to Fort Santiago, Casa Manila, Baluarte San Diego and get horse rides! FREE FREE FREE till 5pm."
Hoorah, mahilig ako sa mga libre kaya hindi ko ito pinalampas. At dahil ako ay isang hamak na mag-aaral sa Intramuros, proud ako na ipangalandakan ang kagandahang taglay ng lugar na ito.
Dumating ako bandang alas-11 y media malapit sa tanghali. Nakakatuwang tignan na maraming turistang namamasyal sa mga oras na iyon. Una kong pinuntahan ay ang Baluarte de San Diego.
Baluarte de San Diego:
|
may sasarap pa ba sa isang FREE ADMISSION? |
|
Hall way sa loob ng Baluarte de San Diego |
|
mga sulat sa pader |
|
nais ko sana bumaba at pumasok sa loob ngunit may nakaharang na bakal |
|
ang gitna, hindi ba't luma? iniisip ko talaga kung paano makapunta sa gitnang iyan |
|
ako wala nang iba |
Sa bandang gilid ay may mapayapang hardin, syempre maraming halaman.
|
isang bulaklak sa hardin, malakas 'to pambato sa plants vs. zombies |
|
maaliwalas na daanan |
|
sa kahahanap ko ng daan papuntang gitna, nakita ko ito, isang gubat ng fern, sa dulo ay ang pasukan papunta sa gitna |
|
ay sadiyang kabigat man |
|
lugar ng mayayaman |
Ang sunod kong pinuntahan ay ang Lights and Sound Museum, pero nakapasok na ako dati dito kaya hindi ko na sya pinasyalan ngayon. Nagpatuloy ako sa Casa Manila, isang replika ng tahanan sa Manila noong panahon ng Kastila.
|
ang gusaling Lacson ng Pamantasan, balita ko cute daw mga estudyante dito, matatalino pa. :) |
|
ang dating gusali ng Philippine Constabulary (PMA ngayon na nasa syudad ng Baguio) |
|
gallery ng mga mukha ng mga pangulo ng Pilipinas |
|
San Agustin Church at ang museo nito na nasa kanan. |
Casa Manila
- malinis
- luma
- maingay na sahig
Bawal kumuha ng mga larawan sa loob ng museo. Sumabay din ako sa mga turistang Pranses, pero siyempre hindi ko sila naiintindihan. Sa bawat apak ko sa sahig ay kinakabahan ako dahil sa tunog na nililikha ng mga ito. Basta tunog lumang sahig na tabla. Sa ibaba ay maraming bilihan ng mga pasalubong at souvenir.
|
ang harap ng Casa Manila |
|
ang makasaysayang palikuran (dito ako nagtago noong mga panahon ng kagipitan sa isang tour kasama si Carlos Celdran) |
|
daan sa veranda ng casa |
|
larawan ng gitnang plaza |
|
mga souvenir |
|
ang Casa Manila |
Muli akong naglakad, patungong Fort Santiago.
|
modernong masining na likha sa mga pader ng isang guho sa intramuros |
|
ang clamshell, dating pook ng Ateneo Municipal de Manila (Ateneo de Manila University) |
|
guho ng simbahan ng San Ignacio |
|
ang trambia sa Intramuros, libre yan sayang hindi ako nakasakay |
|
ang mga kutsero ng mga kalesa, tandaan P350 lang dapat ang singilan kada 30 minuto |
Fort Santiago
- luma
- maraming mapupuntahan
- kaaya-ayang paligid
Napasok ko na ito dati pa, pero gusto ko lang uli pasukin for the sake of pictures. Tirik na tirik ang araw, at sunog na sunog na naman ang aking balat. Pero naglakad pa rin ako. Hinabol ko yung trambia na umaandar ngunit hindi ko nahabol, hindi tuloy ako nakasakay sa free ride. Pumasok ako sa isang silid na puro kagamitan/memorabilia ng pamilya Rizal. Marami pa ring dayuhang turista na sadyang kaaya-aya sa mata.
|
hay buhay, masarap kung libre lahat |
|
magkano kaya ito sa kalakal, kadena pa lang tiba-tiba na |
|
ang main gate ng Fort Santiago |
|
ang museo ng Rizal shrine |
|
nakalulungkot ngunit nagsilbing torture chamber ang buong intramuros noong panahon ng Hapon |
|
para sa mga namayapa noong panahon ng Hapon |
|
isang dungeon (kulungan), nagpasa ako dati ng entry tungkol dito sa Hidden Cities ng History Channel, ayun sa kasamaang palad, kailangan pala ng pasaporte para makasali, wala pa ako nun e. |
|
ang ilog Pasig mula sa Fort Santiago |
|
ang piitan ni idol, dati may bubong yan wala na ngayon. |
|
footsteps ni idol |
|
museo para kay idol |
Nagutom ako bigla kaya naman umuwi na lang ako. Nga pala, pamasahe lang papunta at pauwi ang nagastos ko.
.
Nice! Dami mong napuntahan! :)
ReplyDeletehehe, biyaya po ng pagkakataon :)
ReplyDeletegeez! ndi ko nabasa yung twit na yun ah... =(
ReplyDeletesayang sir ian... nakakatuwa yung mga bagay-bagay doon.. madaming magandang piktyuran :)
ReplyDelete"ako wala nang iba" hahahha pati yung palikuran nasama. "nakalulungko ngunit nagsilbing torture chamber ang buong intramuros noong panahon ng Hapon" -- kulang ng T. wala lang. iban gusto kita bigyan ng payong. naisip ko mahirap magpikture nang may hawak na payong. meron kami dito yung payong na nilalagay sa ulo hehehe -wih
ReplyDeletewahaha.. salamat wih..
ReplyDeleteand "the most supportive friend award" goes to you ;)
Huwaw! Isa ka sa mga mapalad na nakapunta. Miss ko na Intramuros :(
ReplyDeleteang galing naman! libre! bakit daw?
ReplyDelete@pinay, haha... hindi nmn, slight lang. :)
ReplyDelete@pinoy, hindi ko din alam e.. Intramuros Admin ang may pakana...
Ivan. I was told by the locals to go to San Agustin Church, but I wasnt able to visit because of time element. Sayang at hindi ko napuntahan. kinapos tuloy ako ng ipopost ngayon. hehehe.:-).
ReplyDeletesayang naman!! birthday ko pa naman yan!! eh di sana libre!!!
ReplyDeletebro, dmo npuntahan yung vertebra ni rizal na nkadisplay dyn s loob ng fort santiago, isang piraso ng buto n may bullet mark na kinuha ng kanyang mga kaanak nya after rizal was exhumed s dti nyang libingan s paco cemetery...
ReplyDeleteang galing! sa panahon ngayon, iilan na lang sa mga kabataan ang tulad mo na mas piniling mamasyal sa isa sa ating makasaysayang lugar...ipagpatuloy mo ang iyong pagiging mabuting lakwatsero!..
ReplyDeletediscoverph.com/out-and-about/activity-to-do/museums/visit-philippine-museums/
Like your blog!!! educated...
ReplyDeleteNaalala ko,tawag namin sa footsteps ni Rizal "drunken footsteps".Ang ikli kasi ng distansya.Sabi naman ng isang CSer,"if you know you're going to be shot,you might as well delay it,thus the footsteps"
ReplyDeleteNice! Okay dito! A nice opportunity to take a glimpse of 19th-century life in Manila.
ReplyDelete