Saturday, June 11, 2011

Lakbay Jose Rizal @ 150 | Huling Yapak Tungo sa Kalayaan

Ilang araw na nga ba ang lumilipas
mula nang buhay mo'y binigyang wakas
Wakas na nagbigay daan sa kalayaan
kalayaan na matagal nang ipinaglalaban.

Rizal's Chapel Cell
Gamit ang plumahe'y kinalaban mo ang mga higante
walang takot mong binatikos, mga Damaso, Victorina at Tenyente.
Ano pa nga ba't sa likod ng rehas ikaw ay ipiniit
kalayaan, sadyang sa iyo ay ipinagkait.


Kapirasong papel, sa lampara'y ikinubli
laman ay mga letra, namamaaalam kang nang huli
Adios, Patria Adorada, sa amin ngayo'y nakatatak
linyang kailanma'y 'di mawawaglit sa aming utak.

Rizal's Lampara
Mga prayle'y kamatayan mo ang hangad
mula sa piitan, ika'y nilabas, binigkis at pinaglakad
Mga guardia sibil na sa iyo'y nakapaligid
ngiti ang dulot sa mukha ng mga prayleng ganid.


Sa Postigo del Palacio ikaw ay idinaan,
bayang iyong ipinagtanggol, malapit mo nang iwanan
Mga yapak tungo sa kamatayan ay di marapat sabihin,
bagkus, mga yapak tungo sa kalayaan, siyang dapat banggitin.

Rizal's final footsteps
Sa Bagumbayan, mga baril sa iyo'y nakatutok
anumang segundo handa nang pumutok.
Fuego! Salitang sa buhay mo'y tumapos
Pagluha't pagtangis, sa bayan mo'y bumuhos.


Sa Paco, katawan mo'y nilapastangan,
nilibing nang walang kabaong o anumang palatandaan
Maaring tadhana sa iyo'y naging malupit
dulot nito'y rebolusyon, himagsikan ay sumapit.

Postigo del Palacio
Morir es descansar - Ang mamatay ay siyang pamamahinga
isang linya na sa isip ko'y naglalaro tuwi-tuwina
iyong kamatayan, paglaya ng mga Pilipino mula sa kalupitan
iyong pamamahinga, paglaya mo sa mundong makasalanan


Mabuhay ka Dr. Jose Rizal, bayaning tunay na kagalang-galang
taglay mo ang talino at tapang
Inspirasyon ka sa aming mga kabataan,
ikaw ang aming idolo, buhay mo'y aming hinahangaan.

- IBC

Rizal's execution site
 ________________________________________________________________


This is my entry for June 2011's PTB Blog Carnival hosted by Ivan Henares of Ivan About Town
Theme: Rizal and Travel
Click the image to see the previous Carnival entries

_________________________________________________________________

Rizal's Execution Site

Rizal's execution
Seen in this old picture is the event that changed the history of the Filipino people. Located at Bagumbayan (Rizal Park at present day), this scene in the picture is now a site filled with giant bronze statues depicting the exact moment Rizal was shot.

I have taken the following photos when I visited the place this afternoon.


At the entrance, there are bronze statues embossing from the wall that depicts the life of Dr. Jose Rizal. Another wall have an engraved copy of his Mi Ultimo Adios, in Spanish, English, and Filipino languages.
 


I was surprised to know that the entrance fee was free of charge when I visited. It's part of tomorrow's celebration of the 113th Philippine Independence Day. Yey.


The setting was this on the 30th of December 1896 early morning:

drums were beating
Rizal was brought to this site from Fort Santiago
the friar reciting the final rites
the firing squad were on position
and also the dog
but when this man shouted Fuego!
the firing squad shot him to death
There's a marker at the very spot Rizal was shot by 7:03 am of December 30, 1896.


Also found at the site are bronze statues of the last hours of Rizal at his prison cell at Fort Santiago.

Rizal placed his "Mi Ultimo Adios" inside the lamp.
Rizal's last moments with his mother

This Execution Site or the Light and Sounds Museum (located at Rizal Park, near the Rizal Monument) is open to public daily except Mondays and Tuesdays from 8:00 am to 5:00 pm. The regular entrance is only P10.00, and P50.00 during night shows.

.

13 comments:

  1. Naramdaman ko ang pighati at pag-asa sa iyong isinulat na tula. Good Job, Ivan! :)

    ReplyDelete
  2. Nice post, it gave justice to the exhortation of Rizal's Elias in the Noli for those who could see the lights of the day to forget not those who had fallen during the night.

    ReplyDelete
  3. nice poem Ivan!!! great entry to the Blog Carnival!!nice photos as well.

    ReplyDelete
  4. Great blog. Like a fine history student. Thanks for letting me know about your National Hero

    ReplyDelete
  5. Ang galing ng tula Ivan. Ang lakas ng impact. You know Rizal more than I. :)

    ReplyDelete
  6. Ivan, did you write the poem? Ang galeng! Really food addition to the Rizal@150 Blog Carnival- agree with Mhe-anne.

    ReplyDelete
  7. @sir Ed, salamat po.. isa po yan sa favorite kong line sa noli..

    @atty, hihi.. salamat po..

    @Mr.Wang, thank you sir.. but i'm taking biology not history..

    @sir leo, salamat.. para yan kay idol..

    @ms grace, thank you po..

    ReplyDelete
  8. tutyal! tumutula! :) di mo man lang sinabi ivan na ikaw pala ay isang makata!

    ReplyDelete
  9. I love your blog, my short stay is fun – will hop over again and browse slowly… In the meantime, I’ve linked you in my blogroll.
    Gest to Utopia

    ReplyDelete
  10. Ang Galing mo Ivan...
    Napakagandang Tula... :)

    ReplyDelete
  11. Wonderful pictures and poetry, Ivan. You did credit to our national hero! :D

    ReplyDelete
  12. Ivan, may tinatago ka palang angking galing sa paglikha ng tula. Ikinagagalak kong makakilala ng isang makabagong Rizal sa henerasyong ito—sa iyong katauhan. Mabuhay ka!

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...