Sunday, November 20, 2011

Anniversary Post | Batang Lakwatsero Turns One

Tignan mo nga naman, isang taon na pala ang lumipas. Ambilis ng oras, parang hindi ko namalayan. Ngayon ang unang anibersaryo ng pagkakatatag ng blog na Batang Lakwatsero. Kailanma'y hindi ko naisip na aabot ang blog na ito ng isang taon, akala ko noon matutulad lang ito sa alaga kong tamagochi noon na matapos kong pagsawaan laruin ay napabayaan na lang sa lalagyan ng mga martilyo at pako.


Kung babalikan natin ang nakaraan...

Kauna-unahang Post - ito ang aking kauna-unahang post sa blog na Batang Lakwatsero. Dahil hndi ako sanay na nagsasalita sa wikang banyaga, pinangarap ko noon na isulat ang blog na ito sa wikang Filipino. ewan ko nga ba't naging Ingles na lang bigla ang mga salitang ginagamit ko. Siguro dahil gusto ko maki-uso, o gusto ko lang magmukhang susyal ang blog ko. hehe. Sosyal Klaymer pala ako. 

Blogs that Inspire Batang Lakwatsero - kung hindi dahil sa mga blog na nakalista sa post na iyan, wala siguro ako ngayon. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil sila ang nagbigay inspirasyon sa akin upang maitatag ang aking travel blog.

I Conquered the Corregidor Adventour Challenge - eto ang kauna-unahang benepisyo ng pagiging blogger na natanggap ko. Isang sponsored tour sa Corregidor. Sobrang saya at memorable ng trip na ito dahil sa perstaym kong nakakilala ng mga taong kahalintulad ng hilig ko sa buhay. Nakaramdam ako ng luksong-hilig (parang luksong dugo in another sense).

10 Pieces of Something in Manila - ito naman ang pinaka paborito at pinaka-successful na entry ko. Eto kasi ang tumabo ng pinaka maraming comments sa lahat ng aking blog post. Hindi lang yan, naimbitahan din ako ni kuya James ng journeyingjames.com na mag-guest post sa bigatin nyang blog. Syempre proud ako dahil perstaym ko mag guest post.


Mga dahilan kung bakit ako nagpapatuloy sa pagba-blog...

Mga nakaktuwang comments sa aking blog:

Carlos Celdran says: Wahahaha. I love this story. Come to my Imelda tour for free. Bring a friend. Check my website.Carlos Celdran 
- lol. hindi ko inasahang mababasa ng isang Carlos Celdran ang aking blog. wahaha

Chyng Reyes says: thumbs up! very unique!..(and very flattering, thanks for the mention) ^_^ i swear im gonna buy you a roundtrip ticket on the next Piso Fare. hehe pang 1st ever solo travel mo. PM me your destination of choice.. Ü 
- lol ulet. sobra akong ispired kay ate Chyng.

Pinoy Boy Journal says: hands down, my choice for breakthrough travel blogger of the year! ang galing mo Ivan! People can really feel your passion through your thought-provoking photos. simply brilliant! I am a big fan!
- wow, napa-aww ako nung nabasa ko 'to dati.

Nicely says: Ivan, may tinatago ka palang angking galing sa paglikha ng tula. Ikinagagalak kong makakilala ng isang makabagong Rizal sa henerasyong ito—sa iyong katauhan. Mabuhay ka!
- omaygash, napagkamalan pa akong rizal. haha

Darwin says: Thanks Ivan for such great tour. Will never forget that, and I want you join me when I visit Intramuros again. T'was really one of my dream. Love the place! sayang konti lang yung time natin...but balik tayo I want to see Fort santiago. I was really amazed that you know almost everything about Intramuros History. Thanks, till next time!
- waw, natuwa din kaya ako sa impromtu Intramuros tour.

Angel says: Wow! Flattered naman ako dito! Thanks Ivan! At napahanga na naman ako, you actually remembered our first words to you? Saludo! You may believe it or not, you are one if the bloggers that I admire, and even Ate Jill, parati ka nga naminjg napag-uusapan, on how intelligent and kind you are! Don't ever ever change bro! You are on the right track. I can't wait to dive with you in the future, I hope it is soon :))
- sobrang awwww, na-touch ako sa comment mo kuya angel. T_T

Roman Leo says: I am also your fan, Ivan! :)
- simple pero makahulugan, salamat kuya Leo.

Bonzenti says: I also admire intelligent kid like you Ivan. Go on blogging. Malay mo, yong hinahanggaan mo ngayon, hanga ka pa rin pag dating ng araw....be humble always. hayaan mo na lang yong mga taga Malolos. May mga agencies talagang ganyan.:-). Yong mga namention mo, idol ko rin sila sa blogging and photography, puera lang sa deep sea diving, wala pa ako niyan. hehehe. Ha ano Angel?
- awwww again. salamat din po sir Bonzeti.

Malditang Kuracha says: ay ang galing! Information overload ako. Super interesting post. Magandang pambungad sa first timer sa site mo.. Ako yun. ^_^ Dahil diyan, I'll visit more often.
- yey, nalaman ko na nakakahatak pala talaga ng readers 'pag puso ang ginamit sa paggawa ng post.

Journeying James says: ngayon ko lang nabasa ito... i love it. i will update my list narin, im inspired ivan! 
- wow, nainspire ko pala si Journeying James

Ron says: i have browsed through this post for the nth time and i am still enjoying. ang galing!!!
- natuwa ako dito.. napapabalik ko si Ron sa aking blog :)

Ed says: Ivan, very admirable, may sense kahit ambata mo pa. ako kahit matanda na, wala pa ring kwenta. haha. hats off to this article and for your other articles! makikita mo talagang gusto mo ang ginagawa mo. kaya humanda ka sa interview ko sa yo ok? haha. malapit na december :D
- nakow, patay tayo jan, hindi prepared sa englishan na interview. haha.

Lifeisacelebration says: Ivan, I always sense your "efforts" in every blog you write. Talagang pinag-isipan,at pinag-aralan. Hats off to you, Ivan. Ang galing nito!
- thanks tita Lili. I promise I'll write more creative posts.

Robbie says: Hanga talaga ako sa mga posts mo Ivan! DOT should hire you!
- natawa din ako sa comment na to


Makalipas ang isang taon...

• ako ay mayroon nang 132 published posts
• nakatanggap ng 863 na comments
• mayroon nang 95 followers (I'm proud to say na wala akong sapilitang pina-follow sa blog ko)
• mero nang 239 likes ang aking fan page.
• umabot na sa 134 ang followers ko sa twitter
• PR 2 na ang blog ko
• kumikitang kabuhayan na din ang blog ko
• pero ang pinakamasarap sa lahat ay naging bahagi ako ng blogging community na buhay at makulay (PTB at PTB Bagets) kung saan nakakilala ako ng mga  bagong kaibigan.



Hmm, tapusin na nga ang kabalbalan na ito, magpapaalam na ako. Gusto ko mag pokus sa aking pag-aaral nang makatapos na ako sa kursong kinukuha ko ngayon. Mawawala na si Batang Lakwatsero sa loob ng ilang buwan.









oops. hindi ko ata kaya yun. Sige na nga, hanggang sa muli, paalam. =)

.

17 comments:

  1. haberdey to your blog! congrats Ivan!!!

    ReplyDelete
  2. Di nga? Seryoso!?! I can't believe na isang taon ka pa lang na blogger Ivan. Ang dami ko ng natutunan sa blog mo kahit sasaglit pa lang akong follower. Pambihira kasi ang talent mo na yan. Walang sinabi si pilisopo tasyo e. hahah! Keep on inspiring people. Malayo mararating mo. Cheers para sa kumikitang kabuhayan na yan! hehehe!

    ReplyDelete
  3. Congratulations and keep it up Ivan! Wala akong ibang kilalang blogger na kasing sipag mo wahaha!

    ReplyDelete
  4. Congrats Batang Lakwatsero! More Power!

    ReplyDelete
  5. woot! pa-raffle ka naman, blogversary di ba? hehe

    congrats. and have fun on your 1st flight this dec. =)

    ReplyDelete
  6. ay, isa ako sa mga fan nitong blog na ito! congrats ivan!

    sharing this post of yours!

    ReplyDelete
  7. I remember you were one of the first people who welcomed me into PTB. Thanks for everything and cheers to your first anniversary! :)

    ReplyDelete
  8. Welcome to your terrible twos! May Batang Lakwatsero grow up into Binatang Lakwatsero until Lolo Lakwatsero!

    ReplyDelete
  9. Happy Anniv! Andaming naganap in your first year of blogging. keep it up!

    ReplyDelete
  10. happy anniversary Ivan.you've got talents you can't miss. happy travels happy blogging!!!

    ReplyDelete
  11. salamat sa inyong pagbati!

    @chyng, nakow,, wala pa ako pang-raffle! haha maybe sa golden anniversary ng blog ko

    @Marx, wahaha.. walang kamatyang meet up.. naubos na pera ko.

    @AJ, i'm looking forward to that lolo lakwatsero. hehe

    @Kuracha, wow.. salamat sobra.. nakakplater naman..

    ReplyDelete
  12. Salamat Ivan for the inclusion of my name. Lumaki tuloy atay ko at kasama ako sa naging dahilan ng pagpatuloy sa blogging profession mo. Maraming salamat sayo ANAK...hehehe.:-).

    ReplyDelete
  13. Yeeeeeey one year na blog mo! Hahaha! Ivan, you'll definitely go places. I swear, malayo talaga ang mararating mo. :D Kitakits sa Cebu! Malapit na huweeeeee

    ReplyDelete
  14. Isang malaking congratulations sa one-year old blog mo. Keep those posts coming!

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...