Monday, January 23, 2012

3 in 1 Lakwatsa sa Ikalawang Dekada

Bente na ako! Hindi ko pa rin lubos na natatanggap na nilisan ko na ang "teen-age" years ko at pumasok na sa mundo ng "20 Something".



Upang ipagdiwang ang aking ikalawang dekada ng pag-hinga sa mundong ibabaw, ako, kasama ng ilang kaibigang travel bloggers, ay nagtungo sa lalawigan ng Zambales. Dito'y tinawid namin ang Bundok Pundaquit patungo sa dalampasigan ng Anawangin, tumuloy sa dalampasigan ng Nagsasa sakay ng bangka upang doon magpalipas ng gabi. Kinabukasan ay binagtas namin ang karagatan tungo sa Isla ng Capones upang malapitan ang lumang parola.

Masaya, kagiliw-giliw at kapanapanabik ang mga kaganapan.

Salamat sa mga taong nakasalamuha ko sa ika-21 at ika-22 ng Enero, taong kasalukuyan. Isang hindi malilimutang kaarawan. Kahit na lumampas na ang edad, si Batang Lakwatsero ay mananatiling bata sa isip, sa budget, at sa lakwatsa. 

___________________________________________________________________________

This is a preview post to my weekend birthday trip to Zambales: Mt. Pundaquit traverse to Anawangin Cove, camping at Nagsasa Cove and heritage tour to Capones Island.

8 comments:

  1. Buti ka pa nakapag-hike ka na! Gusto ko din mamundok! =)

    ReplyDelete
  2. ok lang yan marx, first mo na ang pinatubo sa sabado.

    ReplyDelete
  3. sabi na eh. nakadraft na ! =) Maligayang kaarawan lakwatsero! keep it up

    ReplyDelete
  4. What a way to spend your birthday! & talagang in Filipino? Akala ko Linggo ng Wika na. Hahaha.

    I can`t wait sa next installments ng trip mo na ito. :) Happy Birthday!

    ReplyDelete
  5. yung duyan ko!!!! Hahahaha

    ReplyDelete
  6. Draft to published! Haha Happy happy birthday, binatang lakwatsero! :D

    ReplyDelete
  7. Happy birthday! Stay young in body and soul - keep on traveling.

    ReplyDelete
  8. napaisip din ako na sumama dito kaya lang kailangan din magpahinga. kaya happy birthday Ivan and great choice to celebrate 20years.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...