Tuesday, March 20, 2012

Pamamaalam sa Pamantasan: Unang Bahagi

Kay bilis nga naman lumipas ng panahon, biruin mo, apat na taon na pala ang inilagi ko sa iyo. Napakaraming alaala, marami nga dito nabaon ko na sa limot. Pero kung mag-babalik tanaw ako sa nakalipas na apat na taon... hay, masaya, napakasaya.. ang buhay sa kolehiyo ay ang pinakamakulay na yugto ng buhay ko.


Pambungad: Welcome sa Pamantasan

Biyernes noon, hindi ko na maalala ang eksaktong petsa, pero narinig kong pumasa daw ako sa PLMAT. Walang reaksyon lumabas sa aking mukha, sa simula't sapul, hindi ko naman talaga gustong mag-aral sa isang pampublikong paaralan. Biglang pumasok sa isipan ko ang kasunduan namin ng aking mga magulang na kapag pumasa ako sa Pamantasan, doon at doon ako mag-aaral.

Upang makatiyak, agad akong sumugod sa Intramuros upang makita ang listahan ng mga pumasa. Aba'y naroon nga ang pangalang Cultura, Ivan B. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa nabasa ko. Kasi naman, sa loob ng sampung taon, nag-aral ako ng elementary at high school sa isang paaralang pribado at pinapalakad ng mga kaparian at madre. Paano na ang airconditoned rooms, paano na ang pangarap kong unibersidad dito sa EspaƱa, paano ako makikisalamuha sa mga mahihirap na estudyante? - ito ang mga katanungang agad na bumagabag sa aking isipan.

Wala na akong nagawa, nang dumating ang enrollment, inasikaso na ito agad ng aking nanay. Welcome sa Pamantasan.


Yugto I: Unang Taon sa Pamantasan

Unang araw sa kolehiyo, may kakaibang kaba akong nararamdaman sa dibdib. Pano ba naman kasi, first subject ko kaagad ang College Algebra, tapos propesor ko pa sa subject na ito ang isa sa tatlong tinagurian Math Terror ng PLM (Perez, Lucas, Macasheb). Itatago ko na lang sa pangalang Angelita Perez, ang matandang propesora sa math, unang meeting ay may lesson kami agad. Haay, ilang beses na rin ako pinagalitan ng matandang propesora (tamad kasi ako gumawa ng takdang-aralin). Pero kahit may angking kasungitan ang matandang propesora sa math, henyo siyang maituturing pagdating sa mga numero.

Culture shocked pa ako sa unang semestre, paano ba naman kasi, makakarinig ka na lang bigla ng malulutong na P*T*NG *NA at T*ARANT*DO sabay hampas sa balikat, ganoon pala sila magbatian sa Tondo. May ilan ding kamag-aral na namamangha kapag naglabas ka ng isang mamahaling gamit, at bigla na lang magsasabing, "Ang yaman mo naman..."

Masuwerte ako't naka-ligtas ako sa pagpapahirap ng ROTC. Maaga akong pumila at nag-enroll sa CWTS para lang maka-iwas sa matinding training na dinadanas ng mga ROTC. Pero may inggit akong nararamdaman sa tuwing makikita ko ang mga estudyanteng nakabilad sa field. Ewan ko kung bakit. 

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga nagaganap sa aking paligid. Kaya naman kapag break time, lalabas ako at magtutungo sa pader ng Intramuros upang magmuni-muni. Halos ganito ang naging routine ko sa araw-araw ng buong 1st semester, papasok sa klase, magtatanong ng mga assignment, tatambay sa pader ng Intramuros. Hindi ako madalas nakikipag-usap sa mga kamag-aral ko, abnormal ako e, isa akong introvert na bata.

Nasaan na kaya si Aidle Joy? siya kasi ang paborito kong kamag-aral. Siya ay tubong Lubang Island, Occidental Mindoro. Hindi siya kagandahan, pero hndi naman siya sukdulang pangit, tamang pangit lang. Isa siyang natural na promdi kaya naman tuwang tuwa akong inaasar siya. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya inaaway. Tama, naging bully niya ako. ang nakakatuwa lang ay hindi siya napipikon kahit anong gawin kong pang-aasar sa kanya. Napaka haba ng kanyang pisi. Minsan hinihiya ko siya sa buong klase pero parang wala lang sa kanya, uungol lang siya ng kakaibang tunog na sa kanya mo lamang maririnig.

Hindi ko rin malilimutan na sumapi ako sa isang school org na maka-Diyos. Alam ng lahat ng nakakakilala sa akin na hindi likas sa pagkatao ko ang magsimba tuwing linggo, ang magdasal bago kumain, bago matulog at kahit na kailan pa man (parang hndi galing sa parochial school no?), for short hindi ako relihiyosong tao. Pero ewan ko nga ba't napajoin ako sa org na iyon. Merong sharing, umaattend ng misa sa tanghali. Ayoko na!

Isa pang hindi ko malilimutan noong unang semestre ng unang taon ko sa kolehiyo ay ang muntik ko nang pag-sapi sa grupo ng kabataan aktibista. Haha, dahil sa isang project sa Social Science, napa-join kami sa isang rally ng mga estudyante upang i-dokyument ang kaganapan. Habang nasasaksihan namin ang mga pinapalo at tinutulak na mga rallyista, napansin kong takot na takot ang mga kagrupo kong nagdo-document ng kaganapan, samantalang ako naman ay tuwang tuwa at nae-excite. Baliw ata talaga ako, o sadyang thrill seeker lang.

Hindi ko na maalala ang iba pang kaganapan sa unang semestre. Kahit nga pangalan ng mga kamag-aral ko'y hindi ko na rin matandaan.

Dumating ang ikalawang semester ng unang taon ko sa Pamantasan, panibagong mukha na naman ang aking makakasalamuha, shinaffle kasi lahat ng blocks pag-pasok ng 2nd sem. Hindi ko na kaklase si Aidle Joy, wala na ako naaasar. Ako'y naging isang tahimik at masunuring bata.

Wala masyadong tumatak sa isipan ko sa ikalawang semestre, bihira lang ako nakisalamuha sa mga kamag-aral ko, naging Bahay-Pamantasan-Bahay ang ruta ko sa araw-araw. Siguro angh hindi ko makakalimutang kaganapan noon sa 2nd sem ay yung nadulas ako ng dalawang beses sa gitna ng seryosong discussion sa Trigonometry, maging ang propesora namin ay napahagikgik. Kahit ako ay hindi ko rin naiwasang tumawa ng malakas.     


Dahil kami ay nasa ilalim ng General Education Program, wala pa kaming kursong kunukuha sa buong unang taon namin. Puro gen-ed subject ang aming kinukuha. Makakapili lang kami ng kursong gusto namin sa oras na magtapos ang Unang Taon. Kaya naman nang dumating ang panahon na iyon na kailangan na namin pumili ng course, naisip ko kaagad na kunin ang BS Biology sapagkat pangarap kong maging isang ganap na Doktor ng Medisina.

Dalawang magulong semestre ang lumipas. Ilang kaibigan ang nakilala at nakalimutan na. Natapos ko ng matagumpay (nakalampas ako sa Trigonometry at Algebra). Masaya kong nilisan ang aking Unang Taon sa Pamantasan.

_________________________________________________________________

Pamamaalam sa Pamantasan: Ang Kuwento ng Aking Buhay Kolehiyo

Unang Bahagi



.

23 comments:

  1. Hoy ivan! LOL parang purita avila ang drama ng mga estudyante. Wahahaha bwiset ka! Yung blog ni mam sabe!

    ReplyDelete
  2. ang hirap basahin nagtagalog pa! hahaha. nirecord ng ninang mo ang video. gud luck na lang sa SMG. hehe

    ReplyDelete
  3. ivan ang lalim ng tagalog nakakabulol, haha

    ReplyDelete
  4. Ikaw na ang susunod na Bob Ong!!! you reminded me of my college days rin..

    panalo yung nadapa ka at natawa ka ng malakas!! isa ka ring bully! asan na yung aidle joy ngayon?

    ReplyDelete
  5. kaabang abang naman ang susunod na kabanata!

    ReplyDelete
  6. culture shock as well, dugo't pawis (literal) ang inabot ko sa PLM. pero im proud na 3/4 ng classmates ko 1st or 2nd honor ng ibat ibang highschool all over the philippines, scholars ng DOST etc. ang gagaling!

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama. yun nga ang nakakamangha. kahit sanggano ang karamihan, marami sa kanila ang tlgang matatalino. :)

      Delete
  7. Mabuhay ang mga Isko at Iska! Proud to be a PLMAYER too! Malaki ang utang na loob ko sa Pamantasan! Hindi ko na inabot ang General Education program, pagpasok ko sa Pamantasan, diretso na kaagad kung ano ang kurso mo, may mga majors na kaagad :P Napaghahalata ang edad ko. Lols! Pero matira ang matibay sa Pamantasan. Sabi nung isa kong kaklaseng ko noong second year na transferee from different school, sa PLM lang nya nakita na pag labas ng mga classroom, libro kaagad ang inaatupag ng mga estudyante. Hehe! Ayun, next sem umalis.

    Ang di ko malilimutan sa aking pananatili sa Pamantasan ay ang halos araw araw naming pagdadala ng computer set namin noong 4th year ako, hindi pa uso ang laptop nun, mahal pa masyado. At ang corridor ng engineerng wing ng GV ay parang isang malaking computer shop. Haha!

    Mabuhay ang pamantasan! Mabuhay ang mga tunay na iskolar! Lols!

    Congrats Ivan! Mabuhay ka!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang haba ng comment. haha
      grabe naman yung buong set ng computer. haha

      Delete
    2. golden rule sa PLM: kung may reklamo ka, lumipat ka. pinag-aaral ka ng libre kaya sumunod ka at pag-aaral lang ang asikasuhin mo.

      well worth naman, i was an easy go lucky before i entered plm. paglabas ko 1% nalang ay nerd na ko. hahaha!

      Delete
    3. ang tanda mo na kuya Angel!!!hahaha

      pero true, kami rin dahil walang may laptop sa batch namin, dala nmin lagi CPU sa school, kasi meron na namang monitor dun sa univrsity!!!hahaha

      Delete
  8. Parang nagbabasa ako ng mga storya ni Bob Ong. Bob Ong ikaw ba yan?

    Haiz... na-miss ko ang college life. =)

    Natawa ako sa "paano ako makikisalamuha sa mga mahihirap na estudyante?" Hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. yun tlga una kong naisip. haha. kala ko kasi noon, poorest of the poor ang nasa PLM..

      Delete
    2. exactly marx. icocopy paste ko sana ang comment ko sa blog na to ng makita ko ang comment mo. hahaha! Ito yun o.. naka Notepad..

      naks! rich kid. "Pano ako makikisalamuha sa mga mahihirap na estudyante?" natawa ako dito promise.

      Kailangan talaga ipagdiinang MATANDANG PROPESORA. Isang bonggang lol! Dapat sinamahan mo pa ng Matandang Mangkukulam sa dulo para cute Ivan. hihihI!

      Sa buong 4 years ko sa recto, never pa ko nakasali sa rally. Same here Ivan, pinakapaborito ko ang college. marami kasing bully nung HS.. parang ikaw lang. bad ka ha. hahaha! Kamusta na kaya si aidle joy. Ganda ng blog na to. Nakaka-miss ang pagiging studyante. Ang I would have to agree, para kang si Bob Ong.

      Delete
  9. natawa naman ako dun sa aktibista part. sobrang nakarelate ako bilang sa CEU Mendiola ako nag-collage.. lagi ding may rally dun yung tipong meron ding maatikabong bakbakan. hahaha

    ReplyDelete
  10. hulinh huli na ata ako sa balita ngayon ko lang nalaman na meron palang general education program. maganda nga tong program.

    congratulations Ivan.

    ReplyDelete
  11. Ang hirap basahin ha. Congrats nak!

    "paano ako makikisalamuha sa mga mahihirap na estudyante?"
    "Hindi siya kagandahan, pero hndi naman siya sukdulang pangit, tamang pangit lang."

    - Wagas ang halakhak ko sa mga yan! Winnur! Manang mana!

    ReplyDelete
  12. waw! galing ah... pero first part pa to, i'll save my "mushy" (?!) comment after the next post... haha...

    ReplyDelete
  13. wow, me general education na? nung panahon namin kung ano un pinili mo first choice sa entrance exam dun sa college n un ka na babagsak.

    like in my case, udyok lng ng HS classmate namin n nursing daw ilagay namin, ayun sa College of Nursing ako napunta.

    Buti n lng mejo mataas p grade ko nun HS kya pumasa para magshift sa ECE.

    missed PLM as well. so many memories.

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala na ulit yung Gen-Ed program. kami yung last batch na meron nun. hehe

      Delete
  14. ilang taon na rin akong di nakabasa ng sanaysay na tagalog! hahaha

    congrats ivan! 5 stars sa series na to. ang saya!

    ReplyDelete
  15. hello po c: incoming 1st year college palang ako .. Dito rin ako sa probinsya namin mag-aaral ng kolehiyo pero almost 300 kilometers ang layo kaya mag-isa naLang ako. Siguradong makuculture shock ako c:

    ReplyDelete