Natunghayan niyo sa unang bahagi ang aking mga munting pangarap, sa ikalawang bahagi naman ang aking mga nakalipas na job applications at ang trahedyang dumurog sa supposed job ko sa kompanyang maraming isda. Ngayon naman, ikukuwento ko na ang istorya ng aking first ever job at ang pag-hihirap ko sa pag-poproseso ng mga requirements dito. Pero bago ang lahat, dudugtungan ko muna ang pinutol kong kuwento matapos ang nangyaring aksidente sa Luneta.
Masuwerte ako't wala akong pilay na natamo sa naganap na aksidente sa Luneta na binansagan kong "the k0 Incident". Tanging mga sugat at gasgas lang sa mukha ang aking nakuha. Meron akong lacerations sa kilay at baba na kaylangang tahiin (tig-tatlong stitches ang bawat sugat), meron din akong hairline fracture sa jaw kaya naging torture ang pag-nguya ng food for the next 2 weeks.
Muli akong nakatanggap ng rekomendasyon mula sa isang kaibigan, isang Research Assistant ulit na posisyon sa isang kilalang unibersidad sa Pilipinas. Muli akong nabuhayan ng loob, umaasang ito na ang aking magiging trabaho. Kasabay ng aplikasyon ko dito ay isa ring rekomendayon ng isang kaibigan, Digital Marketing posisyon sa isang e-cigaret company.
Halos magkasabayan ang mga schedule ng job interview sa dalawang posisyon na aking inapplyan. Una kong pinuntahan ang trabaho sa unibersidad. Match na match ang interes ko sa trabahong ito, I super duper like it. Relax na relax din ang atmosphere nang sumalang ako sa aking interview na semi-panel interview style, ang cool lang talaga ng mga interviewer, parang nasa bahay lang (and take note, doctor ang nag-iinterview sa akin). Sabi ng kaibigan kong nagtatrabaho ngayon sa nasabing unibersidad, marami daw kami ininterview at dalawa lang ang kukunin nila. Kinabahan ako, sapagkat sinabi rin niya na magagaling ang nakasabay ko, meron Magna Cum laude, meron ding MS student na nag-apply. Dehado ako, passion lang ang pinang-hawakan ko sa aplikasyong ito. Passion vs skills, sino sa tingin niyo ang pipiliin ng team nila?
Unti unti na akong nawalan ng pag-asa na makakuha pa ako ng trabahong match na match sa apat na taong kurso ko. Kaya naman kinagat ko na ang aplikasyon na nirekomenda din sa akin ng isang kaibigan na Digital Marketing postion sa isang e-cigaret company. Ayon sa kaibigan ko, kakayanin ko daw ang trabahong ito sapagkat marunong naman daw ako mag-blog at hindi naman bago sa akin ang internet. Dalawang beses ako ininterview, sa totoo lang epic fail ang mga sagot ko sapagkat sobrang lihis talaga nito sa line of expertise ko, isa pa hindi naman ako marunong manigarilyo. Para talaga akong langaw sa isang baso ng gatas, o damong ligaw sa garden na puro bulaklak. Hindi ko talaga inasahan na kukunin ako sa posisyong iyon. Pero nakakapagtaka't bigla na lang ako naka-receive tawag mula sa kanila at sinabi ang mga katagang "you're hired." Ang sagot ko naman, "seriously," with a big question mark.
Kesa wala akong trabaho, tinanggap ko na ang oportunidad na inoffer nila sa akin, ok na rin kahit malayo sa kursong tinapos ko at hindi rin gaanong kataasan ang sahod, at least mas lalawak ang saklaw ng aking kaalaman.
My First Job
Bago magsimula sa trabaho, binigyan nila ako ng listahan ng mga requirements na kailangan kong ipasa ilang araw bago ako magsimula sa trabaho. Nandyan ang SSS, PhilHealth, NBI Clearance, TIN, BPI Acct, at PAGIBIG. Nauna ko nang inapply ang SSS at meron na din naman akong BPI Acct so hindi ko na kailangan asikasuhin ang dalawa.
NBI clearance ang aking inuna. Nagtungo ako sa Robinson's Otis dala ang mga requirements na hinihingi (kahit na anong ID na may birthdate at buong pangalan). Sabi nila mabilis lang daw ang pag-poproseso sa nasabing mall. 10:30 ng umaga ako nag-simula, halos 12 ng tanghali ako natapos, not bad. Isa lang ang masasabi ko sa naturang ahensya, sana naman ay sabihin nila kung mag-pipicture na sila, biglaan na lang kasi mag sha-shot nang walang pasabi, yan tuloy nakapikit ako sa picture sa NBI clearance. Nang makuha ko ang aking NBI clearance, nakita ko sa katabing window lang ay may PhilHealth, akala ko ay makukuha ko na rin ang aking PhiHealth number sa araw ding iyon pero offline daw sila at hndi kayang mag-proseso ng registration.
Sumunod na araw, nagtungo naman ako sa BIR branch sa Quezon Ave. Dun daw kasi ako dapat kumuha ng TIN number (oops redundant na, TIN stands for Taxpayer Identification Number, kaya hindi natin pwedeng sabihing TIN number). Pagbabako sa kanto ng Timog Ave at Q.Ave, may nakita akong establisimyentong may nakapaskil na PhilHealth. Napangiti ako at sinabing, "wow, ang lapit lang ng registeran ng PhilHealth, babalikan ko to mamaya." Tumungo muna ako sa BIR at humingi ng form 1902, binigyan naman ako ng isang kopya. Ang sabi nila NSO birth certificate lang daw ang requirement. Agad kong finill-up-an ng form at nakita kong kailangan pala ang ilang impormasyon mula sa kumpanya, buti na lang at malapit lang ang opisinang papasukan ko sa BIR office.
Habang papunta ako sa aking magiging office, nadaanan kong muli ang establisimyentong may nakalagay na PhilHealth. Tuloy tuloy ako pumasok at tinanong sa guard kung saan makakakuha ng registration form, tinawanan ako ng guard at sinabing, "hindi ito Philhealth office, ospital 'to ng matatanda, PhilHealth accredited lang kami." Ahh, ganun pala yun, antanga ko lang. Tinanong ko sya kung saan ang malapit na PhilHealth, tinuro niya ang opisina sa may Pantranco. Isang sakay din ang pagitan ng Timog Ave sa Pantranco, pero mas pinili ko ang maglakad na lamang (trekking sa kahabaan ng Q.Ave). Madali kong natunton ang opisina ng PhilHealth, at madali lang din ako nakakuha ng number. Ayos meron na din akong PhilHealth, dalawa na lang ang kailangan kong asikasuhin.
Bandang alas-dos ng hapon nang makabalik ako sa BIR para ipasa ang form 1902 at ang NSO birth certificate. Nang ako na ang kaharap ng tagapag-tanggap ng registration, sinabi niyang dalawang kopya ang dapat kong ipasa, gayundin ang NSO birth certificate. Sa sobrang inis ko dahil hindi man lang sinabi sa simula pa lang na dalawa pala ang kailangang ipasa (hassle kasi babalik na naman ako sa opisina ko at magpapa-pirma), naisip umuwi na lang muna at ipag-pabukas na ang registration.
Kinabukasan (Wednesday), muli akong nagtungo sa BIR para ipasa ang kumpletong requirements para sa registration: dalawang 1902 form at dalawa ring kopya ng NSO Birth certificate. Pagharap kong muli sa tagapag-tanggap ng mga registration (siya rin yung lalaki kahapon), sinabi niyang nasa maling Revenue District Office (RDO) daw ako. Kailangan ko raw magtungo sa RDO 45 Marikina branch upang doon ipasa ang aking form. Nagtaka ako at umuwi na lang muna. Pag dating ko sa bahay, walastik, agad kong tinignan kung paano makakapunta sa RDO 45, walastik, nasa Antipolo Rizal pa pala yun. Muli kong tinignan ang directory ng mga RDO branch ng BIR, walastik ulit, tamang RDO naman pala ang pinuntahan ko sa Q.Ave, sakop ng RDO 39 ang office ko (stupid BIR officer). Agad akong bumalik sa BIR Q.Ave para tapusin na ang pag-kuha ng TIN. Pinasa kong muli ang aking form (sa parehong tao pa rin), pero di tulad ng una tinanggap na niya ng walang aberya ang aking application. Walastik talaga, muntik pa akong papuntahin sa Antipolo city. Nagpasalamat na lang ako at nung araw ding iyon, nakuha ko na aking TIN. PAGIBIG na lang ang kulang ko. haha.
Huwebes na at PAGIBIG na lang ang hindi ko nakukuha. Sabi ng ilan kong kaibigan, HR daw ang dapat na umasikaso nito, ewan ko nga din ba kung bakit ako pinakakuha ng PAGIBIG ng HR ng papasukan kong opisina. Pero dahil masunurin akong employee-to-be, inasikaso ko na rin ang aking PAGIBIG. Sinubukan ko ang kanilang online registration, as suggested by some friends, pero mukhang may sira ang kanilang sistema. Naalala kong meron palang PAGIBIG branch sa Lawton na lagi kong nadadaanan sa tuwing ako ay pumapasok sa eskuwela. Nagtungo ako rito at pumasok ako sa mala-impyernong opisina ng PAGIBIG sa may Lawton (grabe sobrang init). Buti na lang at mababait ang mga tao sa loob at agad kong nakuha ang aking PAGIBIG number in less than 1 hour.
Kumpleto na ang lahat ng aking mga papeles. Just right in time dahil biyernes ang binigay na deadline sa akin ng HR sa pag-pasa ng mga ito.
Biyernes (July 27) nang ipasa ko ang envelope na naglalaman ng kumpletong requirements ko. Ang susunod na na proseso ay pirmahan ng kontrata. Matapos niyang i-check ang aking mga papeles, kinongrachuleyt lang niya ako at sinabing "welcome to our company", nagpaalam ako agad at sinabing pupunta na lang sa unang araw ng aking trabaho. Walang naganap na pirmahan ng kontrata, nakalimutan kasi namin pareho (pero di bale, sa first day na lang ako pipirma).
August 1 (bukas na yun) ang sinabing simula ng aking trabaho. Ang posisyon ko daw ay Digital Marketing. To tell you honestly, wala akong kahit na anong karanasan sa sales o marketing, sadyang hindi ko alam kung magiging epektibo ba ako sa posisyon, magugutuhan ko ba ang trabaho o mabo-bore lang ako. Tanging si bathala lang ang nakaka-alam.
Bukas na ako magsisimula, halong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Panibagong yugto na naman ng aking buhay, sana mag-enjoy ako.
Hanggang dito na lang ulit, paalam!
congrats ivan. welcome to the world of tax payers! haha
ReplyDeletein time makukuha mo din yung trabahong gusto mo, this time tiis tiis muna. =)
salamat ate chyng. nananalig tlga ako. in time tlga.
Deleteyes naman, congratulations!haha
ReplyDeletenatawa ako sa philhealth na part..haha!
antanga ko lang no?
DeleteHaha talagang inabangan ko tong Job hunting series mo no? Sayang yung opportunity mo as research assistant. Pero oks lang yan! Sabi nga nila, hindi mo talaga gustung gusto ang unang trabaho mo.
ReplyDeleteButi ka pa madali ka lang nakakuha ng mga kailangan sa first job! Dati rati patayan talaga lalo na sa NBI clearance.
Goodluck bukas! :D
relate ka masyado? haha. malalaman natin bukas kung magugustuhan ko ang job ko.
DeleteCongrats Ivan :) Binasa ko from part 1-3 ha! hihi.. o pag hindi mo nagustuhan work mo padala ka ng cv sken :)
ReplyDeleteanong job yan madam?
Deletesa online gaming, you want? :)Subukan mo muna yang job mo.. let me know kung kelangan mo ng bagong job haha :)
DeleteCongrats sa work mo. Chill-chill lang muna sa work, while you experience things you'll know kung ano tlaga trip mong work.
ReplyDeleteCongrats Ivan. :-)
ReplyDeletePHILHEALTH natawa talaga dito.
Goodluck sa work, konting tiis muna
at mararating mo din ang rurok ng iyong minimithi. Cheers!!.
at talagang inantay ko matapos ang ikatlong bahagi bago ko binasa simula sa umpisa.
ReplyDeleteika nga ng co-teacher kong may supernatural powers eh may dahilan ang lahat kaya nangyayari. maaaring not meant ang work mo sa maraming isda. or may mas malupit pa na mangyayari sa'yo kaya yung sa k0 incident ang sumalo nung dapat na mas malupit. o kahit ano pa. may rason daw ang lahat. yun ang sabi niya...
with regard sa job hunt eh mahirap talaga yan. yung feeling na atat na atat ka na mag-work para magka pera kahit ayaw mo yung trabaho. mahirap na masarap ang magtrabaho at dadating ang panahon na babalikan mo ang buhay kolehiyo mo dahil simple lang ang buhay noon - kain, tulog, aral, (sa kaso mo - lakwatsa) repeat.
welcome sa totoong buhay at pasensiya na kung nagmukhang blog post ang comment ko :)keep safe ivan
aww. sana nga ganun at may rason tlga. kung baga e, pampalubag loob na lang sa sarili. haay.
DeleteCongrats, Ivan! Binasa ko yung buong series! Hehe. Kung ako ang nakaharap nung tao from BIR lagot yun sakin. Kakausapin ko talaga ang Head nila at sasabihin ko yung kapalpakan nya. Yung mga inefficient na tao sa gobyerno dapat tinatanggal na. Hehehe. Kaya lang baka maubos ang gov't employees. :)
ReplyDeleteI started working when I was in college, at hindi ko rin gusto ang unang trabaho ko. Hangga't sa nagpalipat lipat ako and this is my 8th office, 3rd job sa different field, kasi yung 5 dun pareho lang naman ng work, company lang pinag-iba. I'm on my fourth year here. I thought this is the right job for me kasi andito yung passion ko at okay din ang salary. Though hindi naman routinary ang job, dumating ang araw na napagod ako sa environment and naging demotivated. While I am typing this comment, I am also updating my CV. And I'm planning to move again to another company.
Last night I was pondering about this new dilemma I am facing, then I realized that there's no perfect company/office. Before, I thought that passion is enough to keep me motivated and to keep me abreast with the environment and challenges I was forced to deal with everyday. But at some point, it hit me that it's not only passion; nature of your work, salary, colleagues at work, personal life and goals, and career targets are also great factors why one chooses to stay or leave.
Also, habang tumatanda ka, dumarami ang working experience mo, nagiging adept ka sa field na gusto mo, kasabay nito dumarami rin pala ang career options mo, yung passion mo lumalawak, dumarami rin ang demands mo sa work, dumarami rin ang hinahanap mo sa isang trabaho, pwedeng maging righteous ka o kainin ka ng sistema sa trabaho, which in the end--albeit you think you're old enough to make decisions--would give you lots of things to think about and consider. At babalik ka nanaman sa una mong tanong noong ikaw ay nagsisimula pa lang humanap ng trabaho: Ano ba talaga ang gusto ko?
One thing I learned: Makuha mo man ang gusto mong posisyon at sweldo, makapasok ka man sa magandang kumpanya kung saan andun din ang passion mo, at magtagumpay ka man sa napili mong karera, ang mahalaga kilala mo pa rin ang sarili mo at kung paano ka nagsimula, at ang values mo na naging susi mo sa tagumpay ay patuloy mo pa ring isasabuhay.
Ayan, ang haba.. Hehehehe!
(Kuya Leo 'to, I made this anonymous kasi baka mabasa ng mga officemates ko ang blog mo tapos malaman agad nila ang plano ko na pag-alis. Hehehe.)
haha. thanks kuya! haba ah, parang blog lang. hehe
Deletesalamat sa panibagong pangaral mo. lagi akong natututo. goodlak diyan sa mga plano mo.
Congrats boy! Paburger ka ha? :D
ReplyDelete