Sunday, July 29, 2012

Usapang Career at Job Hunting | Unang Bahagi

Ilang buwan matapos kong lisanin ang student life. Eto ako ngayon, malapit nang magsimula sa kauna-unahan kong trabaho, diyan lang somewhere in QC. Pero bago ko ilahad ang detalye ng aking magiging first ever job, I will first tell you the story of my job hunting experience. Believe me, hindi ito simpleng job hunting lang, it has truly become a buwis-buhay job hunting experience.
Hinati ko sa 3 bahagi ang article na ito: (1) Ang mga munting pangarap ni Batang Lakwatsero, (2) Ang buwis buhay job hunting experience, (3) My first job.

Ang mga Munting Pangarap ni Batang Lakwatsero

Kung si Romeo, ang taga-linis ng chimineya, ay may mga munting pangarap, syempre ako din meron. Maliit pa lang ako ay puno na ako ng mga munting pangarap. Mga munting pangarap na nagpabago-bago sa paglipas ng mahabang panahon.

Simulan natin yan sa panahon na ako ay nasa kinder-garden pa lang. Kundi ako nagkakamali, taong 1997, ang pangarap kong career ay ang pagiging doctor sa ngipin (aka dentist), yun kasi ang kursong kinuha ng aking inay na sa kasamaang palad ay hndi na niya napagpatuloy. Kung baga e, ang naging mindset ko noon ay ako ang magiging carrier ng kanyang dreams.

Nanatiling "dentist" ang dream career ko sa mahabang panahon. For 6 years of my elementary life, "dentist" ang sinasagot ko sa tanong na, "what do you want to become in the future?" na required sagutin sa tuwing magpapakilala sa first day ng classes. Dentist din ata ang nilagay ko sa yearbook namin nung grumaduate ako ng Gr.6.

Nagpabago-bago ang pangarap ko pagsapit ng hayskul, siguro dahil sa iba't-ibang tao na nakasalamuha ko sa paligid. Nandyan ang pag-papari (dahil nag-aaral ako noon sa isang parochial school), lead singer ng isang banda (dahil adik ako sa mga banda noon tulad ng sponge cola at parokya ni edgar), fiddler sa isang orchestra (dahil sa napanood kong napakagaling na performance ng isang violinist sa nakainan kong restawran), journalist (dahil feeling ko magaling ako magsulat), photographer (dahil feeling ko magaling ako mag-picture), historian (dahil paborito kong subject ang history), stage actor (dahil aliw na aliw ako manood sa teatro), lawyer (hindi ko alam kung bakit), even to become a senator of this country (mas lalong hindi ko alam kung bakit). Labo labo na, confused talaga ako when I was in high school. Pero ang pinaka nag-stand out talaga sa lahat, ay ang pangarap ko na maging isang doctor (cardiologist to be specific). Sadyang sobrang taas ng tingin ko sa mga doctor, nangarap akong makapag-suot din ng puting coat with matching stethoscope sa leeg at MD sa dulo ng aking pangalan. Feeling ko kagalang-galang din ako.

Bahagya kong ginive-up ang dream kong maging doktor pagka-graduate ko ng hayskul. Medyo trip kong mag-nursing at iyon ang sinulat kong course sa tatlong inapplyan kong university. E kasi naman, yun yung panahon na patok na patok ang pag-nanars na tila isang nursing factory ang Pilipinas.

Buti na lang at nabigyan ako ng pagkakataon ng Pamantasan na makapag-isip-isip sa loob ng isang taon (buong first year college ko sa PLM ay wala kaming course, we're under the GenEd program). Kaya naman isang pre-med course ang kinuha ko pag-sapit ng 2nd year college - BS Biology. 

Akala ko madali lang ang pinili kong landas, Pero sa pagpapatuloy ng aking kursong BS Biology, tila isang may sinding kandila na dahan-dahang nauupos ang aking will na i-pursue ang med school. Pano ba naman kasi, SOBRANG STRESSFUL pala ng career na aking tinatahak, kailangan dito ang malupit na pasensya, sipag at tiyaga. Bukod pa dito, biglang umusbong ang hilig ko sa pag-lalakwatsa at pamumundok. Sa madaling salita, nawala na ang pokus ko sa pag-abot sa pangarap kong pag-dodoctor. Mas naging interesado ako sa exploration, adventure at outdoors. Blame it to this blog and to my thesis adviser who exposed me to field research.

On my last year in college, tuluyan nang naglaho ang pangarap kong mag-med, bigla kong ninais maging isang Marine Biologist. Bukod sa hitik na hitik ito sa exploration at adventure, may matindi rin akong fascination sa world underwater. Kaya naman nang matapos ko ang BS Biology, plano kong magpatuloy ng MS Study ng Marine Biology, but of course it will be not so soon, nakaka-stress din kaya mag-aral. 

Sundan ang sumunod na bahagi: Ang buwis buhay job hunting experience... 


8 comments:

  1. Nakakatuwa yung mga dreams mo nung high sch.:)
    Same here confused din ako, kung anong kursong kukuhanin ko nung high sch.
    Yes ang galing mo magsulat, sarap basahin ng mga kwento mo!
    Abangan ko ang buwis buhay job hunting mo at ang first job blog mo. :)

    ReplyDelete
  2. Ok ang mga pangarap mo nung high school ka pa ha, labo-labo talaga, iba-ibang direction, hehe. Pero saludo ako sa pinaka-latest na pangarap mo, ang maging marine biologist, astig! Check mo DOST site, meron sila scholarship (MS & PhD) on sciences, I think including marine biology. Good luck!

    Naligaw dito mula kay Round-Tripinay. :)

    ReplyDelete
  3. Para kang si kuya bodjie kung magkuwento nito. "PAALAM..!" Haha! natatawa ako dun sa part na "feeling ko kasi magaling ako..."

    Wag ka mag-alala, bilang isang umuusbong na talulot ng kabataang tulad mo, madami ka pa ring magiging gusto itry in da future tulad ko, pero sa huli kailangan mo pumili, at sa tingin ko nasa tamang landas ka naman, ang importante maging masaya ka sa ginagawa mo, at hindi ka nababagot!

    Iyon lamang, munting kaibigan, hanggang sa susunod na kabanata. "Paalam!"

    ReplyDelete
  4. ayos! aantayin ko ang susunod na kabanata nito.

    ReplyDelete
  5. parang ako lang yung hyskul mo. Heheheh:)))

    ReplyDelete
  6. abangan ko ang susunod na kabanata. hehe

    ReplyDelete
  7. enjoying reading this post...parang nakikipagusap ako kay pong pagong hahahaha

    ReplyDelete
  8. Hindi mo naisipan nuon na mag-aral ng Geology mahilig ka rin lang mag-explore at mamundok?

    ReplyDelete