Tuesday, November 20, 2012

Anniversary Post | Two Years Of Blogging

Hindi ko namalayan na ngayon pala ay ika-dalawampu ng Nobiyembre. Ibig sabihin, dalawang taon nang namamayagpag (namamayagpag?!) ang aking blog. Ambilis lang ng panahon, talagang kinareer ko pala ang blogging eh no... Dahil anniversary ng blog ko, dapat ay may anniversary post ako, pero ano nga ba ang isusulat ko sa ikalawang taon ng aking blog... hmm..


Balik tanaw muna...

Ano nga ba ang naganap sa nakalipas na dalawang taon??....

Well para sa unang taon ko sa pagba-blog, basahin na lang ang aking unang anniversary post. Sundan ang link na ito: First Anniversary.

Maraming pagbabago ang naganap sa aking blog matapos ang aking unang anibersaryo. Unang-una diyan ay ang pagkakaroon ko ng sariling domain. Mula sa www.ivanlakwatsero.blogspot.com, naging www.ivanlakwatsero.com na siya. Syempre maraming salamat sa aking isponsor. woohoo!


Kabundukan at Farola...

Kung inyong papansinin ang aking link bar sa taas, makikita niyo ang link ng Kabundukan at Farola. Ito ang dalawang project na umusbong sa aking blog sa nakalipas na taon at patuloy kong pag-gugugulan ng oras sa hinaharap.

Mapapansin ang mabilis na pag-transform ng aking blog mula sa pagiging usual travel blog patungo sa pagiging isang mountaineering blog. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag pero may kakaibang kasiyahan (fulfillment) na dinudulot sa akin ang pamumundok na hndi ko mahanap sa simpleng lakwatsa lamang. Marahil ay sa pamumundok ko nakita ang true love. Kaya naman talagang nagsumikap akong kilalanin nang husto ang mga kabundukan sa Pilipinas. Makikita niyo ang record ng mga naakyat kong bundok sa link na ito: Kabundukan.

Bukod sa pamumundok, nahumaling rin ako ng husto sa mga lumang istruktura, partikular ang mga Parola. Mayroon ding kakaibang kurot sa puso ko ang mga lumang parola kaya naman gumugol din ako ng panahon  upang puntahan ang mga ito. Sa ngayon ay may apat na akong naidokumentong lumang parola. Tignan sa link na ito: Farola.

Karanasan...

Marami, iba-iba... may pangit na karanasan, may maganda rin na karanasan. May madaling makalimutan na karanasan, meron din karanasan na tumatak sa isipan.

Grumaduate na ako sa Pamantasan (sundan sa link na ito) at nakahanap ng trabaho (sundan sa link na ito).

Kung saan saan na din ako nakapunta dahil sa blog na ito. Salamat sa mga nag-isponsor na hotel at orgs :)

Nakakatuwa rin dahil sa unang pagkakataon ay na-interview ako para sa isang programa sa telebisyon, my first and probably the last, ayoko nang umulit. Pero para sa mga curious, sundan lamang ang link na ito.

Hindi ko na maalala yung iba.


Makalipas ang dalawang taon...


• ako ay mayroon nang 252 published posts
• nakatanggap na ng 2245 na comments
• mayroon nang 179 followers (walang sapilitang pagpapa-follow)
• meron nang 566 likes ang aking fan page (organic growth yan).
• umabot na sa 385 ang followers ko sa twitter
• PR 2 pa rin ang blog ko



Ayan lang.. salamat sa lahat ng bumabasa at tumatangkilik sa aking blog, ililibre ko kayo lahat pag yumaman na ako :)

3 comments:

  1. bilang dating mountaineer, at ngayon ay nangangarap uli hehe, isa ako sa mga bilib sayo Ivan, BUT please ha, wag iiwan yung mga posts mo na may historical topic ha,yun kc ang favorite ko sayo pero ciempre, yung frustration ko sa pag-akyat eh napapawi ng blog mo, congrats ha, fan here :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you for the kind word sir Joni :) sana makasama kita minsan sa lakwatsa.

      Delete
  2. Congrats, Master! Sana kahit Lolong Lakwatsero ka na nagbablog ka pa din haha!

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...