Thursday, November 21, 2013

Anniversary Post | Three Years of Adventures

Dahil ngayon ay ika-dalawampu ng Nobyembre (drum roll please...) anibersryo na naman ng aking blog. Tama, tatlong taon na ang aking blog, woohoo! Akalain mo yun, ang dating inakala kong pampalipas oras lang ay naging bahagi nang talaga ng buhay ko. At mukhang aarangkada pa siya ng mas matagal dahil sangkatutak pa ang lakwatsang hindi pa nagagawan ng lathala. Sipag nawa'y dalawin mo ako. Anyway...

Balik-tanaw sa nakalipas na taon..

Itong nakaraang taon, wala akong inatupag kundi ang pamumundok. Tunay nga at tuluyan na talagang naging mountain blog ang dating hamak na travel blog ng batang bored sa buhay. Kung dati, sa tuwing ako ay bibisita sa isang lugar, una kong tinatatanong sa sarili ko ay 'anong kasaysayan ang meron sa lugar na ito?', o di kaya'y 'anong kultura ang umiiral sa mga tao rito?' ngayon, ang unang pumapasok sa isip ko ay, 'may bundok bang maakyat sa lugar na iyon?'

Kung mayroon mang dapat sisihin sa pag-transform ng aking blog from a broad and general travel blog to a mountain blog which is more specific, walang iba kundi si Pinoy Mountaineer. Siya, pati na ang mga kabundukan, ang nakapag-pabago sa aking blog. Mas ganap ang aking kaligayahan.

Para sa aking mga mountain adventures, sundan lamang ang mga sumusunod na link:

Kabundukan Page
Climb Log 
Kabundukan Map

Achievements, meron nga ba?

Bilang isang blogger, wala naman talaga. Ewan ko. Meron nga ba? Achievement ba na after ilang years, nakapag-cash out na ako sa Nuffnang. haha (mukhang pera lang). Pero, on a serious note, masaya ako sa pag-bablog na ito sapagkat mas lumawak ang mundo ko, mas marami akong nakilala, mas marami na akong kaibigan, at kahit papaano ay may nakaka-kilala na sa akin (naks sikat). Salamat sa lahat ng taong nakilala ko dahil sa blog na ito. Sana dumami pa kayo, more adventures to come sa ating lahat.

Makalipas ang Tatlong taon...

• ako ay mayroon nang 313 published posts
• nakatanggap na ng 2801 na comments
• meron nang 2010 likes ang aking fan page (organic growth yan).
• umabot na sa 849 ang followers ko sa twitter

Dahil tatlong taon na akong nagba-blog, nag-selebrate ako kasama ang isang napakahalagang kaibigan. Woohoo. Pizza and Pasta dinner somewhere diyan sa tabi-tabi.

4 comments:

  1. What an achievement! Congratulations! I wish I could make my blog grow like yours!

    ReplyDelete
  2. congrats idol ivan...
    looking forward for more of your lakwatsas and gala...
    kahit papaano eh nararating ko din ang mga inakyat mong bundok at napuntahang lugar through your awesome blog...
    more mountains to conquer!!!

    ReplyDelete
  3. congratz, Ivan! ..and looking forward on your future climbs...

    ReplyDelete